Kahirapan
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.Ito ang mga posibleng dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao:
1. Kakulangan ng Trabaho..
2. Katamaran ng mga tao..
3. Kakulangan ng disiplina ng mga tao..
4. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot..
5. Nababalitang Corruption..
Kung patuloy nating paiiralin ang ganoong mga pag-uugali, hindi uunlad ang ating bansa. Walang mangyayari. Walang makakamit na progreso ang Pilipinas. Ngunit ang naisip ko lamang na solusyon sa kahirapan sa ating bansa ay pagkakaroon ng DISIPLINA.
Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa bokabularyo nila ang salitang disiplina. Yun lang naman ang kelangan natin talaga. Hindi naman magagawa ng iisang tao ang pagbabago ng buong bansa. Tayong lahat ang dapat gumalaw para magbago.
Tigilan na rin natin siguro ang crab mentality. Imbes na matuwa dahil may nararating ang iba, naiinggit pa ang iba. Imbes na magsikap para sa sarili nila, naghihintay na may ibigay na lang ang gobyerno sa kanila. Kaya walang nararating ang iba sa atin.
Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin,
lahat na ng pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi. Hindi
sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho, gobyerno nanaman
ang may kasalanan. Wala silang makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy
bakit may mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa
pagsisikap ay nakaahon.
Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng magagandang kaugalian
ay susunod na. Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa ng
mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng gobyerno at lalong hindi nito sisisihin
ang gobyerno. Pero ang tanong, paano matuturuan ng disiplina ang taong wala
nito?
Kumilos na tayo hangga't may oras pang natitira. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting bansa.
Mga iba pang dahilan kung bakit marami ang naghihirap sa atin..
Una ang pagpasok ng "globalisasyon" ay maitutuiring din na isang imperyalismo. Kung saan ang mga dayuhan at mayayamang kapitalista na nagmamay ari ng ibat ibang kompanya ang siyang nagdidikta sa pamahalaan upang siskilin ang karapatan ng mga mangaggawa. At ang pagsasanib pwersa ng pamalaan at kapitalista ang siyang dumudurog sa unyon na siyang pumapatay sa karapatan ng mga mangagagawa upang magkaroon ng tamang pasahod, benepisyo at hustisya. Maituturing na isang pang aalipin o "modern slavery" ang pasahod sa mga manggagawa, kompara sa kinikita ng mga higanteng korporasyong dayuhan.
Pangalawa sa
mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang
pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng
buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili
nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo
ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa
rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na
ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito.
Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice,
mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng
bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.
Dahil
sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang
naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong
pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa
mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang
kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga
magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata
ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at
walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
Lucky Club Casino site | Odds Comparison, Player and Site Review
TumugonBurahinLucky Club is a brand new casino site offering slot, luckyclub roulette, video poker and many other casino games. The site is not just about the old